“Huli na ito, kakausapin ko na si alexis. Hindi ko na kaya ang mga kagustuhan niya. Isa pa’y katawan at kaluluwa ko na lang ang natitira sa akin, baka maibenta ko rin, bulong sa sarili habang nakasakay sa bus papunta sa tagpuan nila ng kanyang mahal na kasintahan.




bagdeTV

aug.2021

      link: https://invol.co/cl5b57x

Ay, ang ganda nung dress n ‘yon, Hon! Ibili mo ko no’n ha?” sabi ng nobya.

“Okay, Hon, pero sa sahod kona bibilhin ko ‘yan para may bago kang maisuot kapag nagde-date tayo,” sagot ni Rex


"Kada linggo lang kasi time nila sa isa't isa 

parehong busy sa kanilang mga trabaho"


“Promise ‘yan ha?”

“Yes na yes, Hon ko!”

Kaso, hindi pa sila nakakalayo sa isang boutique...


“Hon, gusto ko rin ng bagong shoes na ganoon, sabay nakaturo sa bilhan ng sapatos” hirit pa ng alexis.


Napakamot na sa ulo si Rex.


Hay naku! Heto na naman siya!” bulong niya sa sarili.


Mahilig kasing magpabili ng kung anu-ano ang kanyang kasintahan kapag namamasyal sila, kapag may mga espesyal na okasyon o kahit na simpleng araw lang.



Nang sumapit ang suweldo ni Rex ay wala siyang nagawa kundi bilhin ang mga itinuro sa kanya ni alexis. Kapag nakasimangot na kasi sa kanya ang kasintahan ay tumitiklop na agad siya. Ganoon niya kamahal si alexis 


halos wala nang natira sa sahod ko… Diyos ko naman po! Paano ko ba pagkakasyahin ang kita ko hanggang sa susunod na sahod?” bulong ni Rex sa sarili nang tingnan niya laman ng wallet niya.


Ang totoo, lumaki naman talaga sa may kayang pamilya si alexis at mayroong magandang trabaho. Lambing na lang nya kay Rex ang pagpapabili ng kung anu-anong mahiligan nya


 Isang araw ay tinawagan ni alexis sa opisina nito.


Hon, yung pangako mong ibibili mo ako ng gusto kong singsing baka makalimutan mo, 



 Napakamot na lamang sa ulo si Rex 


“A, eh, sige, dadaan  nadin ako sa boutique

mamaya pag uwi ko. Dadalhin ko na lang diyan bukas sa pagdalaw ko sa iyo,” tugon ni  Rex sa kasintahan nya


Nang maibaba ang telepono ay parang natigilan si Rex. Nag-iisip


“Paano kaya ito? Ubos na ang ipon ko… ubos na rin ang sahod ko. Saan ako kukuha ng pambili ng singsing na ‘yon?”


ang nakaisip nya na paraan. Isanla niya ang mamahalin niyang relo para may maipambili ng singsing nayon.


“Matutubos ko naman ang relo kapag nakapag-ipon ulit ako, ang mahalaga’y naibili ko ng singsing na gusto ng kasintahan ko, ani ni Rex sa sarili.


Minsan sa kanyang pag-iisa sa kuwarto niya habang nakahiga sa kama ay hindi niya mapigilang isipin ang kalaguyo talaga bang maluho.


“Mahirap maging kasintahan itong si alexis magastos… pero wala, eh, mahal na mahal ko siya kaya hindi ako makaangal sa lahat ng hilingin niya sa akin,” aniya sa isip.


Kinaumagahan ay kinantiyawan siya ng mga kaopisina niya dahil sa nalalapit niyang kaarawan.


“Rex, saan ba tayo sa birthday mo, ha?” tanong ng mga kaibigan nya


“Oo nga naman, pare. Ready na kaming sumama kahit saan !” sabat ni gerald


“Malabo mga pare, mukhang walang pera ang kaibigan natin,” wika naman ni nonoy



“Aba, bakit naman? Naubos na ba sa kasintahan mo ang sahod mo?” tanong pa ni andrew.


“Kailangan mo pa bang itanong ‘yon, pare? Kilala mo naman si alexis… natatawang sabi ni nonoy.


Tahimik lang si Rex sa sinasabi ng mga kasama niya dahil totoo naman yun.



“Naku, p're, payong kaibigan lang… habang maaga pa ay dapat mong kontrolin ang kasintahan mo, baka manigas na ang daliri niya sa katuturo, ikaw rin!” sambit ni andrew.


Nang maiwang mag-isa ay napaisip na naman si Rex


“Gusto kong E libre sa birthday ko ang mga kaibigan ko, pero paano? Eh, hindi ko pa nga alam kung saan ko kukunin ang perang gagastusin ko sa birthday ni alexis sa martes. tugon ni Rex sa sarili



Dahil gusto rin niyang pagbigyan ang mga kasama niya sa trabaho pati na rin ang kasintahan niya ibinenta na rin niya ang ilan sa mga mamahalin niyang gamit sa bahay, pati kuwintas niya na matagal niyang pinag-ipunan ay ipinagbili na rin niya para magkapera.


“Huli na ito, kakausapin ko na si alexis. Hindi ko na kaya ang mga kagustuhan niya. Isa pa’y katawan at kaluluwa ko na lang ang natitira sa akin, baka maibenta ko rin, bulong sa sarili habang nakasakay sa bus papunta sa tagpuan nila ng kanyang mahal na kasintahan.



Ilang sandali ay narating na niya ang lokasyon kung sila magkikita. Tuwang-tuwa naman si alexis nang matanaw ang kasintahan nua.


“HON , salubong ni alexis sa. Kasintahan habang kumakaway

 Halika na sa loob! Pagyaya ni alexis sa kasintahan.


Parang wala sa sarili si Rex kaya tumango na lamang sya at sumunod sa kasintahan.


Habang kumakain sila. Maya maya may inilabas si alexis sa bag at iniabot kay Rex


“Hon, pagpasenyahan mo na itong advance na gift ko sayo. Ibinalot ko para surprise nakangiti si alexis sa kasintahan.


Sige na, buksan mo na!” pag uutos ni alexis.


Inalis ni Rex ang balot ng regalo at labis na pagkagulat ni Rex sa hawak nyang regalo tila hindi makapaniwala sa regalo ng kasintahan. 


bank book at may kasama pang CARD.

may laman pang malaking halaga ng pera ang bank book! 


Alam kong higit pa diyan ang nagastos mo sa akin Rex. Nahihiya nga ako sa iyo, alam ko namang hindi kalakihan ang sahod mo sa pinapasukan mong opisina pero sinusunod mo pa rin ang bawat magustuhan o maibigan ko. Sorry ha? Nasisiyahan lang kasi ako kapag binibigyan mo ako ng mga gusto ko kaya nawiwili tuloy akong magturo ng kung anu-ano. Pero naisip ko na wala kang maiipon para sa sarili mo at sa future natin kung ganoon ang ugali ko kaya ako na ang nag-ipon para sa iyo. Mula ngayon ay katulong mo na ako sa pag-iipon,” hayag ni alexis.



Hindi naiwasan ni Rex na mapaluha sa ibinunyag ng kasintahan. marunong din pala itong mag-ipon at naisip pa ang tungkol sa kinabukasan namin. Bigla niyang niyakap nang ubod higpit ang si alexis


“I love you hon. Hindi ako nagkamali ng babaeng minahal,” sambit ni Rwx saka hinalikan pa sa pisngi ang nobya.


“Advance happy birthday, Hon, I love you too!” sagot ni alexis na ginantihan din ng halik sa pisngi si Rex


Masaya sila sa mga oras na iyon at napagtanto ni Rex hindi naging basehan sa kanya kanilang gastosin kundi sa kasiyahan at tuwa sa kanyang mahal na mkasintahan


Sya na lamang naipon para sa kinabukasan nilang dalawa.


Comments