Salamat lolo hindi ito sumpa isa lamang ito biyaya na pinagkaloob mo sakin. Ganoon na lamang pasasalamat ng binata?

 

  Visit us: https://invol.co/cl5c018

 Ang Sarap damhin ng simo'y ng hangin

at nakakatuwang pagmasdan ang mga patay sinding mga ilaw sa mga kabahayan.

Kahit saan ka lumingon nakakasulyap ka ng mga dikorasyon.

Walang mapagkaila nalalapit na ang kapaskuhan ngunit ang okasyong masaya  hindi dama ni lolo andoy.

Gabi na pero patuloy parin sa pangangalakal si lolo andoy habang tulak tulak nya kanyang lumang kariton.



Awang-awa kahit sino makakakita sa kanya dahil narin sa katandaan pero patuloy parin nagtatrabaho.

Kolubot narin ang kanyang balat at napakapayat mapapansin mo mahina na kanyang katawan.

Mat'yaga nya ito itinutulak ang kanyang kariton halos hating gabi na sya makauwi sa kanyang tinutuluyang barong-barong gawa sa kawayan malapit sa ilog.


Dito sya sinalubong ng kanyang apo na si ROBERTO 16anyos na at si lolo andoy ang kanyang kinikilalang pamilya kahit paulit ulit na ito nagrerepresenta na samahan sya si lolo andoy sa kanyang pangangalakal ay hindi ito pumapayag at tanging sambit lamang nito." Apo itoon mona lamang ang atensyon mo sa iyong pag aaral. Kahit ganito lamang pinagkakakitaan natin pipilitin ko igapang pag aaral mo. 

Habang pinagmamasdan nya kanyang apo kumakain at sarap na sarap ito sa dalang pagkain ng kanyang lolo andoy.


Halika dito lolo samahan moko sa pagkain dala mo, yaya ni roberto sa kanyang lolo andoy"



Apo ubusin mona yan makita ko lang busog ka masaya nako sagot naman ni lolo andoy.


Lahat nang sakrepisyo pinapahalagahan naman ni Roberto kaya sinisipagan nya lalo kanyang pag aaral para magkapagtapos ito mabigyan nya si lolo andoy nya ng magandang buhay.


Nakasanayan kasi ni lolo andoy bago matulog nagkwentuhan sila nang kanyang apong mahal na mahal nya.


Maagang gumising si roberto para abangan nya kanyang lolo andoy para pakiusapan isama sya kanyang pangangalakal.


Sasapit na ang pasko lolo isama mo naman po ako mapagmasdan ko at maamoy ko simoy ng pasko kasama ka lolo papuri ni roberto sa kanyang lolo andoy


Sa totoo lang apo inaalala ko baka mahiya ka sakaling makita mo mga kaklase at kaibigan mo kaya hindi sana kita isasama.

Habang tulak-tulak nila kanilang kariton ngunit kung pagmamasdan mo ang binatilyo tila tuwang tuwa pa sya sa kanyang ginagawa at dahil sa wakas isinama sya ng kanyang lolo andoy


Ginabi na maglolo sa kanilang pangangalakal at marami rami narin  kanilang naipong kalakal


Lolo malaking halaga ito pag nabenta natin ito hindi natin problema ang pang noche buena natin lolo. Masayang sinasabi ni roberto sa kanyang lolo andoy.


Sumagot kanyang lolo andoy

Oo nga apo masipag ka pala at malakas kapa sakin.


Hindi nagtagal ang kanilang kasiyahan ng maglolo dahil sa kasunod na nangyari at pareho silang nagulat


Mula sa likuran binangga sila ng sasakyan at kapwa sila tumilapon sa kalsada ang maglolo pareho silang malubha.

Nadurog ang paa ni Roberto halos humiwalay sa kanyang hita.

Si lolo andoy naman malubha, sa ulo ang tama nito bagama't may malay pa sya parang nanghihingalo na ito.




Agad bumaba ang driver ng sasakyan at sumisigaw ito at halatang lasing.


Habang si roberto humihingi ng saklolo ngunit tila walang nakakarinig sa kanila

At tanging sambit lamang SAKLOLO, DALHIN NYO SA OSPITAL SI LOLO at patuloy gumagapang papunta sa kanyang lolo andoy.  


Bakit kasi kayo harang harang sa daan at hindi ko kasalanan kung tatanga tanga kayo.

pasigaw ng driver ng sasakyan.

patuloy sa pagsulyap kanyang sasakyan

kung saan parte ang napinsala

hindi man lang nya tinitingnan ang maglolo.


Agad naman nakilala ni roberto ang driver ng sasakyan dahil narin madalas sa kanila si roberto upang kumuha nang pinapamahagi nitong bigas galing sa goberno dinikitan malaking sticker ng mukha ng kapitan 


Kapitan tulungan mo kami maawa kay lolo. 

pagmamakaawa ni roberto kay kapitan reyes 


Agad ito bumalik sa kanyang sasakyan at sabay sabing kung gusto nyo magdemanda.

Magdemanda kayo yun ay kung may pera kayo at agad nito pina andar ang sasakyan mabilis itong umalis at iniwan ng tuluyan ang kaawa awang maglolo naliligo sarili nilang dugo


Alalang alala si roberto sa kanyang lolo andoy ngunit napaiyak na lamang sya nang madiskubre nya sinapit ng kanyang mga paa at malaking posibilidad na hindi na sya makalakad pa.


Bagama't naghihingalo si lolo andoy pinilit parin nya magsalita. "Roberto, apo hindi na magtatagal ang buhay ko at hindi ko maatim ganyan kalagayan mo apo. May hihingiin sana akong pabor.


Ano po yon lolo ? Sagot ni roberto sa kanyang mahal na lolo.


Dahan-Dahan komurot ng kaperong laman nito kanyang braso si lolo andoy.

Lunokin mo ito apo! Sambit ni lolo andoy.


Diring Diri si roberto sa kagustuhan ng kanyang lolo at dahil narin sa pamimilit nito ginawa na lamang ito ng binata.

Nilunok nya kaperasong laman galing sa kanyang lolo andoy.


NGAYON apo. Ipapamana ko sayo ang sumpa ng aking pagkatao at nadadagdagan pa ihihingi ko ng tawad sa iyong mga magulang pag nagkita kami.

Sana mapatawad mo ako apo sa gagawin ko dahil hindi ko kayang tanggapin dito lamang magwawakas ang buhay mo napakabata mo pa para mahirapan ka ng ganyan.


Bago pa man makapagsalita si Roberto kinagat sya ni lolo andoy kanyang leeg labis nya ito ikinagulat.

Nasaksihan narin nya ang kanyang lolo andoy kung paano humahaba kanyang pangil na kumikinang sa talas.

Sa subrang diin ng ni lolo andoy na naging dahilan upang mawalan ng malay ang binata.


Ilang sandali nagising ang binata pero wala na kanyang lolo andoy animo'y naging abo ang kanyang katawan tanging damit na lamang nya natira.


Labis na ikinagulat ng binata ng mapag alaman nya walang kagalos galos ang kanyang katawan ngunit alam nya itong nagkalasog lasog kanyang mga paa.

tila para bang walang nangyari at napansin nya lumalaki ang kanyang katawan na para bang ang lakas na nya.


Pinikit nya kanyang mga mata pero narinig nya ang tinig ni lolo andoy at ipinapaunawa sa binata ang sitwasyon kanyang kalagayan ngayon.


Naging tahimik si Roberto sa panahon yun tela nag iisip.

Isa na akong aswang at hindi lamang basta basta aswang dahil ang umanib sakin ay nabibilang sa lahi ng mga mandirigma.


Makalipas lamang

Mabilis na nakasanayan ni roberto ang kanyang bagong katawan.


Napakabilis nya sampong beses sa normal na tao at nakangisi ang binata habang nagsasalita mag isa.


"Salamat lolo hindi ito sumpa isa lamang ito biyaya na pinagkaloob mo sakin.


Mula kanyang likuran

lumantad sa kanya napakalaking pakpak kahalintulad ito ng pakpak ng paniki


Agad itong lumipad na walang kahirap hirap at mabilis itong tinungo ang baryo kung saan  nandoon bahay ni kapitan.

Naabotan nya sila masayang nagsasalo salo kasama ang familya. 


Ang unang biktima nang aswang na si ROBERTO.


Ang kwentong ito angkop lamang sa kathang isip at walang kaugnayan sa totoong buhay

Comments